Jun-Oct 2011

Vol.10
No.1

 

 

 

  NEWS VIEWS FEATURE LITERARY BULLETIN SPORTS    

myNEWS
News Home
News
Views
Feature
Literary
Bulletin
Sports

mySEARCH

 
  myNSDAPS
NSDAPS Home
Aranzes Home
About NSDAPS
Prospective Students
Current Students
Visitors
Faculty and Staff
Alumni and Parents
NSDAPS Family
  myHELP
School Directory
Site Index
Contact Us
Online Virtual Tour
 
Editorial Staff
 
 

EDITORYAL

Ang Pilipinas at ang mga Pilipino
Kabataang Mulat : RH Bill: Simbahan Kontra Pamahalaan (ni Ray Vaño)
Ahon : Solusyon sa Edukasyon (ni Arch Demerie Ahunin)
Planking

OPINYON

Facebook or Book
Diborsyo, Sagot ba sa Problema ng Mag-asawa?
PAGASA Poorcast
Kapalaluan
Sa mga Relasyon...


Ang Pilipinas at ang mga Pilipino

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang sa ating bansa ang Buwan ng Wika, isang tradisyon na nagsimula pa kay Pangulong Manuel L. Quezon, Ama ng
Wikang Pambansa noong naisagawa niyang pagkaisahin ang bansa sa ilalim ng iisang wika.

Sa modernong panahon, gaano pa ba kahalaga ang sariling wika? Sabi ni Dr. Jose Rizal, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at sa malansang isda” at ayon pa rin sa kanya “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Kaya dapat lamang na tayong mga kabataan ang higit
na nagmamahal sa sarili nating wika. Ngunit mukhang hindi ganoon ang nangyayari.ang mga kabataan sa ngayon ay bihasa na sa pagsasalita ng taglish (tagalog at ingles), ayon nga sa mga salita ng manunulat na si
Bob Ong, para silang “sinapian ng kaluluwa ni Kris Aquino”. Sige
nga, hinahamon ko kayo, kaya nyo bang magsalita ng purong
Filipino sa isang buong araw. Mahirap, hindi ba?

Sa panahon kung saan tayo ay dinidiktahan ng lahat na magsalita ng wikang banyaga para masabing “maunlad” at “sibilisado”, aminin man natin o hindi, ang sariling wika ay naisasantabi. Dito pa lang sa paaralan natin, sa mga daanan ay makikita mo ang mga plakard na nagsasabing magsalita ng
mahina, manatili sa kanang bahagi ng daan, at MAGSALITA NG INGLES.

Ang Ingles, naiintindihan ng madla, ngunit tandaang hindi lamang iyan ang wika ng Pilipinas ngayon! Aba, buksan mo ang radio. malamang Koreanong
kanta ang maririnig mo. Buksan mo ang Facebook, siguradong may mga kaibigan kang nagpipilit maging Koreana. Koreanang buhok, pangalan, at Koreanong status at text messages.

Hindi ko naman sinasabi na mali ito, ngunit hindi ba dapat tayo ay matuto ding gumamit ng wika natin? Sabi nga ni Gng. Dominguez, Koordineytor ng Departamento ng Filipino, “Tayo lamang ang magmamahal sa ating wika.” Hindi ito mamahalin ng mga dayuhan, kung kaya’t walang ibang dapat na magpahalaga dito kundi tayo lamang mga Pilipino. Para sa akin kasi, ang dating ay nawawalan ng saysay ang ipinaglabang kalayaan ng ating mga bayani. Malaya tayo, oo, sabi sa papel. Pero makinig ka. Tingnan mo. Magobserba ka. Pilipinas pa nga ba ang itsura ng bayan mo?

UP^


Kapistahan ng
Aranzazu muling tumingkad

Aranzan:
Ako ay Handa!
Araw ng Director
Idinaos

Kaguruan
Pinapurihan

Aranzans sa
hardcourt
 


Kabataang Mulat
:
RH Bill: Simbahan Kontra Pamahalaan
ni Ray Vaño


Ilang buwan na ring pinag-uusapan at sentro ng kontrobersiyal na talakayan ang Reproductive Health (RH) Bill. Ngayong nakasalang na sa plenaryo ng Kamara ang panukalang batas, lalong umiigiting ang palitan ng mga pahayag ng mga pabor at kontra rito.

Bagamat nagkasundo ang simbahan at gobyerno sa pananaw na dapat kontrolin ang populasyon. Hindi nagkakaintindihan ang simbahan at gobyerno sa RH bill dahil sa magkaibang pananaw. Tinitingnan ito ng pamahalaan bilang economic
na isyu samantalang moral na isyu naman ang ipinaglalaban ng Simbahan.

Ayon sa pamahalaan, ang usapin ng RH o Reproductive Health na pinalitan ng
pangalang “Responsible Parenthood,” na nagsasabing responsibilidad ng mga
magulang ang pagpaplano ng kanilang pamilya. Sa pagkakataong walang akses
sa karampatang impormasyon at serbisyo ang mga magulang, may responsibilidad ang estado na ibigay ito. Sa 5-puntong tindig ni Pangulong
Aquino hinggil sa Responsible Parenthood, nililimita niya ang kanyang tindig sa RH sa usapin ng family planning.

Para naman sa boses ng Simbahan, naniniwala silang ang usapin ng RH sa paggamit ng artipisyal na mga kontraseptibo bilang anti-life ay labag sa doktrina ng Simbahang Katoliko. Pabor lamang sa natural na mga pamamaraan ng family planning.

Magdudulot ng imoralidad ang akses sa mga kontraseptibo at pagbibigay ng sex education sa kabataan. Hindi kinikilala ang karapatan ng kababaihan na magpasya hinggil sa sarili niyang katawan, dahil ang Diyos ang may-ari nito.

Ano nga ba talaga ang layunin ng panukalang batas na ito? Ang matulungan ang
mga mahihirap o ang kumita ng malaki? Ayon sa isang pag-aaral isa ang Pilipinas
sa mga nalalabing bansa na mariing tinututulan ang batas na ito. Lumalabag daw ito sa karapatang pantao at sa batas ng Diyos kaya naman pilit na tinututulan ito ng simbahan. Ngunit ayon naman sa mga pabor na mambabatas maaring
masugpo nito ang problema ng bansa.

Ngayong mainit paring pinagdedebatihan ito sa senado kung ipapasa ito o ibabasurang muli marahil ang bansa natin ay naghihikahos sa mga problema
at suliranin nito ngunit kailan man hindi maitutuwid o maitatama ang mga mali ng isa pang pagkakamali. Maaaring may maganda itong benipisyo ngunit kung makalalason ito sa isipan at pagkatao ng iba, sa tingin ko maaaring may iba
pang solusyon sa problema ng bansa. Ang mahalaga ay ang pagkakaroon ng takot at paniniwala natin sa Diyos. sapagkat kapag ito ay nawala, wala na ring imposible, kaya nang magawa maging ang pinakamasamang maaring magawa, tamang disiplina at tamang impormasyon ang kailangan upang mapigilan ang
mga pangyayaring ito.


UP^

 


Ahon :
Solusyon sa Edukasyon
ni Arch Demerie Ahunin

Ang mabilis na pagbaba ng ating ekonomiya na nagdudulot ng malaking pahirap sa ating mga magulang at halos hindi na matugunan ang pagtaas ng bilihin at mataas na bayarin upang makuha ang magandang kalidad ng edukasyon. Sangkatutak na krisis ang idudulot nito sa patuloy na kakulangan ng mga
kabataang mag-aaral sa bansa. Nakapanghihina na malaman ang ganitong mga estadistika, nananatiling walang katiyakan ang pambansang sistema ng
edukasyon. Ngunit masakit man, ito ang katotohanan.

Sa ngayon, nakararanas nang matinding pagbaba sa bilang ng mga mag-aaral ang mga pribadong paaralan. Sa katunayan, ayon sa Registrar Office ng ating paaralan, masasabi na malaki ang ibinaba ng nagpalistang mga mag-aaral
sa Sekondarya kumpara noong nakaraang taon.

Ayon sa datos ang mga mag-aaral sa Unang taon: 216, Ikalawang taon: 252, Ikatlong taon: 229, at sa Ikaapat na taon 200. Na may kabuuang bilang na 897. Nakakalungkot isipin na ang pangunahing dahilan kung bakit bumababa ang bilang ng mga mag-aaral sa eskwelahan ay dahil sa KAHIRAPAN. Kung matutugunan sana ang problema ukol sa kakulangan ng pambayad ng matrikula,
wala sanang magulang ang hindi magnanais na pag-aralin ang kanilang mga anak sa pribadong paaralan. Kung may magbibigay lamang ng tulong pinansiyal sa pamamagitan ng scholarship program sa mga mahihirap ngunit matatalinong
kabataan.

Ngunit sa kasalukuyan, ang bilang lamang ng mga nabibigyan ng libreng matrikula ay kakaunti kumpara sa mga nagnanais mag-aral.

Kung patuloy ang pagbaba ng mga mag-aaral ay nararapat sigurong ang mabilisang aksyon. Kay sarap sanang pakinggan na ang gobyerno ay totoong
naglilingkod sa kanyang bayan. Dahil ang sistemang umiiral noon at ngayon ay paulit-ulit lamang na nararanasan ng bawat henerasyon at iyon ay hindi na
mababago pa.. at sa huli patuloy na aasa pa na maiangat pa ang sistema ng edukasyon.

Ang layuning ito ay hindi sapat bagkus kulang pa… Sa pamilya nagsisimula ang
problema. Kaya nararapat na ang mga programa ay tungo sa ikauunlad ng kabuhayan ng bawat mag-anak. Sapat na trabaho na siyang magiging
tulong sa kakulangang pampinansiyal. Sa ganitong paraan siguro matutugunan natin ang problema sa ating kabataan. Sana, dumating ang araw na
ito na ang gobyerno natin ay talagang tutugon sa pag-unlad ng mga kabataang Pilipino.

UP^


Planking

Maraming mga bagay ang nauuso sa mga kabataan ngayon (gaya ng mga ballers, touch screen na gadgets, mga bagong dance steps) na talaga namang kakaiba at kung minsan pa nga’y di maintindihan ng mga nakatatanda. Sa katunayan, kung magtatanong ka sa isang matanda kung ano ang planking, maaaring hindi niya alam kung ano ito.

Teka, ano nga ba ang planking? Ang planking ay ang paggaya sa isang piraso ng kahoy (plank); tuwid dapat ang buong katawan at hindi gumagalaw (gaya na lamang ng isang kahoy). Patok ang planking sa henerasyon ngayon, lalo na sa mga kabataan at mga mag-aaral. Mayroon ding owling (paggaya sa mga kuwago), koalaing (paggaya sa mga koala), at toweling (paggaya sa isang nakasampay na tuwalya).

Nang mauso ang planking sa Pilipinas, umani ito ng iba’t-ibang reaksyon. Mayroong nag-isip na ito ay isa lamang katuwaan at pampalipas oras; may pumuna at nagsabing ito ay nakasisira sa utak ng mga bata; karamihan naman sa mga konserbatibo ang pag-iisip ay nagpahayag na mga taong kulang sa pansin lamang ang mga gumagawa nito; at ilan ang nagtanong kung ano ang naidudulot nito sa lipunan.

Sa aking opinyon, ang planking (at ang iba pang mga kasama nito) ay katuwaan lamang at dapat gawin sa tamang lugar. Nariyan kasi ang ibang mga kabataan na ibubuwis ang kanilang buhay para lamang maipakita sa buong mundo ang kanilang planking. Nararapat din na walang ibang matatapakan o masasaktang tao kapag ginagawa ang mga bagay na ito. May mga insidente kasi na may mga taong nadadamay dahil lamang sa mga mabababaw na bagay gaya ng planking.


UP^
Facebook or Book
nina: Allysa Guardiano at Stephanie Cruz ng III-E

Sa kasalukuyang panahon, marami na talaga ang naaadik sa isa sa mga sikat na
social networking sites, ang Facebook. Sa katunayan, sinasabing tayong mga
Pilipino ang pinakamarami sa mga gumagamit ng site na ito. Mapamatanda,
mapabata, lahat na halos tayo ay mayroong Facebook account.

Ang may pinakalaking bilang sa mga ito ay ang mga kabataan ngayon. Bakit hindi? Bilang kabataan, ninanais din nating makisalamuha at makipagkilala sa iba’t ibang tao sa ibang lugar kahit sa ganitong paraan lamang. Ngunit, base sa pag-aaral at masusing pagsusuri, isa itong malaking dahilan kung bakit bumababa ang grado ng mga estudyante sa paaralan. Sa aming pananaw, hindi lang naman ito ang nagiging sanhi kung bakit nangyayari ito sa mga estudyante.
May mga ibang rason tulad ng bisyo, madalas na pagsama sa barkada, kawalan ng balanse sa oras lalo na kung ginagamit sa ibang di makabuluhang bagay, at iba pa. Isa pa, nagagamit rin naman ang Facebook hindi lamang sa pakikipagkaibigan o pakikipagugnayan ngunit sa ibang pang-edukasyong layunin kagaya na lamang ng pagbuo ng pangkat pampaaralan at pagsagap ng impormasyon galing sa iba-iba pang sites sa malawak na internet.

Sa mga pagkakataong mababa talaga ang gradong nakukuha ng estudyante,
maaaring isa sa mga unang pumapasok sa isipan ng mga tao ang wagas na
paggamit ng Facebook. Hindi sila masisisi marahil sa iniisip nila na sobra itong
nakasasama sa atin o di kaya’y isa sila sa mga ilan na hindi naman gaanong
gumagamit nito. Maaari ring dahil sa ang pagkakaalam at pagturing nila dito ay isa lamang pinagkukunan ng aliw.

Bilang mga estudyante, ito na lamang ang aming maipapayo. Gamitin na lang ito sa tamang paraan at ayusin ang iba’t ibang aspeto ng ating mga personal na buhay na maaaring makaapekto sa ating pagaaral. Marapat nating alamin ang pinakaimportanteng prayoridad na dapat nating tugunan sa ating buhay.

UP^
Diborsyo, Sagot ba sa Problema ng Mag-asawa?
ni: Gng. Jannette M. Dominguez

“Tinatanggap mo bang maging kaisangdibdib si ... na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon? Ito ang kadalasang itinatanong ng pari sa tuwing may dalawang magnobyo na nais ng lumagay sa tahimik. “Opo” ang mataginting at buo sa loob na sasabihin ng
dalawang taong nag-iibigan.

House Bill No 1799, na tinawag ding “An Act sa Pagpapakilala sa Diborsiyo sa Pilipinas” ay isinulong nina Congresswomen Luzviminda Ilagan at Emerenciana de Jesus noong Hulyo 27, 2010. Sila ay parehong kasapi ng Gabriela Women’s Party
na nagnanais na ipatupad ang karapatan ng mga kababaihan sa Pilipinas.

Dahil sa diborsyong ito ay maari na nga ba talagang bawiin ng mag-asawa ang
kanilang sinumpaan sa harap ng mga taong saksi at sa harap ng Diyos? ito ba talaga ang sagot sa problema ng mag-asawa? Ang kasal ay isang banal at habambuhay na kontrata. Ang sinumang pinagsama ng Diyos kailan man ay hindi
maaring paghiwalayin ng tao. Ang diborsyo ay hindi solusyon sa isang magulong
pagsasama ng mag-asawa. Ito ay isa lamang pagtakas sa responsibilidad at sa
obligasyon nilang ayusin ang kanilang problema o suliranin.

Sa aking pananaw ang babae ay dapat na magsakripisyo upang mailigtas ang kasal. Subalit kung ating lilimiin hindi lamang dapat babae ang siyang magsakripisyo kundi maging ang lalaki, sapagkat sila ay pantay sa mata ng tao at ng batas. Responsibilidad nilang dalawa ang ikatatagumpay o kasisira ng pamilya.

Sa labanang ito, hindi naman talaga ang magasawa ang tunay na biktima, kundi ang mga anak na kung makapamimili lamang ng magulang ay hindi sila ang pipiliin, sapagkat sa sandaling pagsubok ay agad ng bumibitaw sa isa’t–isa.

Anumang problema ay maaring malutas sa masinsinang pag-uusap at hindi sa paraang diborsyo, kung kaya’t hindi ako naniniwalang ito ang solusyon, naging mag-asawa ang dalawang tao dahil sa salitang pagmamahal at naniniwala din akong kung paiiralin nilang muli ang pagmamahal na iyan,wala ng mag-asawa pang magiisip na maghiwalay.


UP^


PAGASA Poorcast
ni: Mildred Gonzales

Nagpatayo ang PAGASA ng mga Doppler stations sa ilang lugar upang makasabay sa modernisasyon ng bansa. Kung saan malaking tulong daw ito para mapredict and dami ng ulan, direksyon ng hangin, at kung gaano kalakas ang epekto nito sa mga apektadong lugar. Ngunit paulit-ulit lang ang problema ng PAGASA. Ang paulit-ulit na kapalpakan, huli, at mali-maling weather
forecast nito.

Mababatid na noong nakaraang taon ay napatalsik si Prisco Nilo (dating hepe ng PAGASA) sa posisyon nito dahil sa strike two na sablay na weather forecasting
ayon kay PNoy. Naging kampante ang mga tao noon sa kaMaynilaan at hindi naging handa, kaya maraming buhay ang nakitil.

May ilang pagkakataon din na pinaghahanda ng PAGASA ang mga tao sa paparating na bagyo ngunit walang inaasahang bagyong dumating. Dagdag pa ang pagsususpinde ng klase kapag nariyan na ang malakas na ulan at kung kailan baha na sa lansangan. Kadalasan naman ay ang pagsususpinde ng klase kung kailan di na umuulan.

Sino nga ba ang dapat sisihin dito? Ang kalihim o ang pangulo?Alam naman natin na may mga ilang lumang instrumento pa din ang ginagamit ng PAGASA. Kaya siguro ay wala pa din sila sa katiyakan sa paghahatid ng mga forecast. Agham
ang weather forecasting. Kaya dapat ay hindi na bulok at nasa maayos at
moderno na ang ating mga kagamitan. Nakakalungkot man isipin ngunit pati
na ang mga batikan at respetado na sa larangang ito ay nangingibangbansa
at mga nasibak pa! Kung ganito at paulit-ulit lang din ang problema ng PAGASA,
makakasabay pa din ba tayo sa modernisasyon ng bansa?

UP^


Kapalaluan

ni: Rhod Jessie Barrera, IV-E

Dito sa mundo mayroon tayong Pitong nakamamatay na kasalanan na kung saan
hindi natin ito maiiwasang mangyari. Mayroon tayong nagagawang kasalanan sa pang araw-araw nating pamumuhay. Isa na dyan ang isa sa orihinal at pinakaseryoso sa Pitong Nakamamatay na kasalanan ay ang Kapalaluan (Pride). Itinuring ito sa isa sa Pitong kasalanan kung nagiging labis ang ating pagmamalaki, pagmamataas sa ating Panginoon, sa ating sarili at sa ating Kapwa imbis tayo ay maging mapagbigay, mapagpahalaga at magalang.

Ang laging gusto ng mga taong may ganitong pag-uugali ay ang maging bida at minsan kung sila ay nakakagawa ng kasalanan ayaw nilang magpatalo, gusto nila sila ang nagwawagi at kung tayo man ang hihingi ng tawad, kahit wala tayong kasalanan ayaw pa nila tayong patawarin at minsan naghihiganti.

May paraan naman kung paano maiiwasan ang ganitong uri ng kasalanan. Una na
riyan na dapat hindi tayo nagpapa-apekto sa ibang tao, Humingi lang tayo ng tulong sa ating Mahal na Panginoon, sa ating mapagmahal na pamilya at mga pinagkakatiwalaang kaibigan. At kung may gagawa man sa atin ng kasalanan
kahit hindi tayo ang nagumpisa, humingi agad tayo ng tawad. Huwag din tayong
magtiwala sa ating mga sarili ng sobra-sobra dahil maaaring ito ay maging isang daan sa pagkamit ng Kasalanang ito.

UP^


Sa mga Relasyon..
ni: Timothy Olaguer

BESTFREN
Ito ang klase ng relasyong sa simula ay magkaibigan, bestrfen kumbaga. Pero paano kung mainlab ka sa bestfren mo at alam mong nainlab din siya sayo? Huwag ka ng magpaiwas iwas pa kasi baka dumating ang panahon na dapat mo na siyang iwasan kasi may mahal na siyang iba. Ilabas mo ang iyong totoong nararamdaman para sa kanya kasi ang feelings ay tinatanggap ng isang tao hindi ito tinatangihan. Kaya kung mahal mo ang bestfren mo at alam mong karapat-dapat siya para sayo huwag mo na siyang hayaang makuha pa ng iba at makita
mong masaya siya sa iba.

RELASYONG PILIT
Ito ang relasyong hindi pinagplanuhan yung tipong simula palang, wala ka naman talagang nararamdaman. Dahil pinilit ka lang ng mga magulang mo at napagpustahan lang ng mga kabarkada mo!! PERA-PERA? - Alam mo yun
wala kang gusto sa isang tao pero dahil gusto ng mga magulang mo at pera lang ang habol sa karelasyon mo. Pera-pera lang pagkatapos wala ka ng magagawa dahil nangyari na.

PINAGPUSTAHAN?
Ito ang klase ng relasyong lokohan lamang. Bakit ba kailangang gawin ang ganito? Yung tipong pagpupustahan ang isang babae ng mga Kabarkada at kung sino man ang manalo, Sa kanya mapupunta ang babae kahit di niya ito gusto okay lang kahit mapaglaruan ang Babae.

AWA?
Babae man o lalake, naidadaan sa awa ang isang relasyon. Kahit di mo naman gusto ang isang babae/lalake dahil naawa ka sa kanya at gusto mo na suklian iyong pagmamahal na binibigay niya sayo. Gusto mo na iparamdam din sa kanya yung pagmamahal at kabaitan na binibigay niya sayo. Bakit kasi kailangan pa ng awa para mahalin mo ang isang tao wag mo ng hintayin na magpakaawa sayo
para mahalin mo, para suklian ang pagmamahal. Kahit di mo naman mahal dahil na lang sa pera. “PANGIT KASI ANG TAKBO NG RELASYON KAPAG ANG FOUNDATION AY PHYSICAL ATTRACTION”.

Sa lahat ng relasyong ito, laging tatandaan na ang pagmamahal ay kusang nararamdaman, hindi pinaglalaruan at lalong hindi lang sa awa, isa itong
sagradong salita na dapat ingatan at pahalagahan. Hindi ba’t ang Diyos ay pag-ibig? Kaya’t kung maliit lamang ang pagpapahalaga mo sa salitang ito para
mo na ring sinabing walang halaga sayo ang Diyos.

Kung ikaw ay nasa isa sa mga relasyong ito, mag-isip-isip ka, sapagkat kailan man ang panloloko at pananakit ng kapwa ay walang ibubungang maganda.


UP^
  Communication Box
Kindly e-mail us (jiangurus@gmail.com) your thoughts and other reactions so we can improve our online services.
 

© 2011 Nuestra Señora de Aranzazu Parochial School, Guitnang Bayan I, San Mateo, Rizal 1850.
Tel. No. (63)941-1269/ (63)570-2098 . Fax No. (63)941-9966. All Rights Reserved.
Site development and maintenance by the NSDAPS MIS Team