Jun-Oct 2011

Vol.10
No.1

 

 

 

  NEWS VIEWS FEATURE LITERARY BULLETIN SPORTS    

myNEWS
News Home
News
Views
Feature
Literary
Bulletin
Sports

mySEARCH

 
  myNSDAPS
NSDAPS Home
Aranzes Home
About NSDAPS
Prospective Students
Current Students
Visitors
Faculty and Staff
Alumni and Parents
NSDAPS Family
  myHELP
School Directory
Site Index
Contact Us
Online Virtual Tour
 
Editorial Staff
 
 

 

Bakbakan ng mga Aranzans sa Hardcourt nagsimula na!
Meron ang Azkals, Wala ang PDBF
Al-Azraq Nilapa ang Azkals


ipba
Bakbakan ng mga Aranzans sa Hardcourt nagsimula na!

ni Steven Rivera

Ika-4 ng Agosto, nagsimula na naman ang bakbakan ng mga Aranzans sa hardcourt. Sa pangunguna nina G. Maiko Del Rosario at G. Simplicio Liwanag kapwa ng IPBA, pinasimulan ang nasabing gawain sa pamamagitan ng isang
parade. Ang bawat lakambini ng mga koponan na nanggaling sa iba’t ibang seksyon at antas at mga manlalaro, ay masayang naglakad para sa masayang
pagsisimula ng IPBA.

Ipinakilala ang mga Teams at Team Captains. Ang team ng Transformers ay pinangunahan ng kanilang team captain na si Miguel Rodriguez. Si Joshua Tubo naman ang naging team captain ng Vaultrons, si Marc Adolfo sa Jedis, si Kristoffer Enrique sa ManPower, si Karl Balingconan sa School Kings, si BJ De Guzman sa Surfers, si Darius Soriano sa Crusaders, si Alvin Misuela sa Legions, si Philip Calubaquib sa Encoders, at si Jao Oliva sa Bookworms.

Ang bawat laro ay tiyak na pakaaabangan ng mga Aranzans at mga mag-aaral at maging ng ilang guro na may hilig talaga sa larong basketbol

Up^

Kapistahan ng
Aranzazu muling tumingkad

Aranzan:
Ako ay Handa!
Araw ng Director
Idinaos

Kaguruan
Pinapurihan

Aranzans sa
hardcourt
 


azkals
ISPORTS EDITORYAL:
Meron ang Azkals, Wala ang PDBF

Kilala niyo ba ang Azkals? Eh ang Philippine Dragon Boat Federation? Kung oo, alam niyo ba ang kanilang pagkakaperahas at pagkakaiba?

Ang Philippine Azkals ang kinikilala ng Philippine Sports Commission na pambato ng Pilipinas pagdating sa larong futbol. Ang nasabing koponan ay nagkamit na rin ng ilang mga parangal para sa kanilang pagkapanalo sa kanilang mga laban.
Kalakip nito ay ang buong pagsuporta ng mga Pilipino sa kanila, kabilang na
rito ang pagbibigay ng pamahalaan ng pondo para sa kanilang mga ensayo at
mga pangangailangan para sa kanilang mga laban.

Ang PDBF o mas kilala sa tawag na Philippine Dragon Boat Federation ay nagkamit ng limang gintong medalya at dalawang pilak na medalya. Ngunit sa kabila ng mga parangal na kanilang ay hindi sila kinikilala ng Philippine Sports Commission bilang opisyal na koponan ng Pilipinas. Kahit sa kanilang pagsali sa Dragon Boat
Challenge ay hindi sila pinakitaan ng suporta ng ating gobyerno.

Ano nga ba ang mayroon sa Philippine Azkals na wala sa Philippine Dragon Boat Federation? Bakit nga ba hindi sinuportahan ng pamahalaan ang PDBF samantalang
lumaban naman ito para sa ating bansa?Kung titingnan, parehong lumaban ang Azkals at PDBF para bigyang karangalan ang bansang Pilipinas ngunit magkaiba ang pakikitungo at suportang ibinigay sa kanila ng ating pamahalaan. Ang Philippine Azkals ay sinuportahan ngunit ang Philippine Dragon Boat Federation ay
binalewala. Nakakalungkot isipin na hindi man lamang nabigyan ng gobyerno ang
PDBF ng kaukulang suporta at tulong para sa kanilang laban. Sana ang ganitong pangyayari ay hindi na maulit. Dapat nating ipagmalaki, bigyang halaga at suportahan ang sinumang maging kinatawan ng ating bansa sa anumang larangan
sa isports dahil sila ang nagbibigay karangalan at nagtataas ng antas na ating pagiging isang Pilipino.

Up^

 

Al-Azraq Nilapa ang Azkals

ni Aldrin Bandiling at Ana Frayna III-E

Nilapa ng Al-Azrag ng Kuwait ang Azkals ng Pilipinas sa iskor na 5-1 sa larong Football, noong nakaraang Hulyo 28, dahilan upang maglaho na ang pag-asa ng Azkals na makapasok sa 2014 FIFA World Cup Qualifi ers. Mula sa kanilang una at ikalawang pagtutunggali na ginanap sa Mohammad Al Hamad Stadium sa Kuwait
at sa Rizal Memorial Stadium sa Pilipinas.

Nagsimula ang kanilang pakikipagsapalaran nang nakipaglaban sila kontra Brave Reds ng Sri Lanka noong ika-3 ng Hulyo , kung saan nanalo sila sa iskor na 4-0 na naging daan upang sila ay makapasok sa pangalawang bahagi ng 2014 FIFA World
Cup Qualifi ers.

Matapos manalo ng Azkals, sumunod naman nilang nakaharap ang Al-Azraq ng Kuwait. Sa kanilang unang laban, hindi naging kumpleto ang mga manlalaro ng Azkals sapagkat mayroong dalawang miyembro ng kanilang koponan ang nakatanggap ng yellow card na sina Angel Guirado at Stephan Shrock na naging dahilan ng kanilang pagkatalo sa unang laban kontra Al-Azraq sa iskor na 3-0.
Kinailangan ng Azkals na makabawi sa kanilang pangalawang laban kontra Al-
Azraq ng ginanap sa Rizal Memorial Stadium sa Pilipinas. Nagbigay pag-asa sa kanila ang pagbabalik nina Guirado at Shrock. Nabuhayan ang Azkals nang una silang makapuntos sa tulong ni Stephan Shrock ngunit naungusan pa rin sila ng Al-Azraq sa iskor na 2-1 kung saan nagtapos ang kanilang laban.

Ngunit sa kabila ng kanilang pagkatalo, sinabi pa rin ng Azkals na sila ay babawi
sa kanilang mga susunod pang laban at sisiguraduhin nilang pagbubutihin ang mga
ito upang makamit nila ang tagumpay.

Up^

 

  Communication Box
Kindly e-mail us (jiangurus@gmail.com) your thoughts and other reactions so we can improve our online services.
 

© 2011 Nuestra Señora de Aranzazu Parochial School, Guitnang Bayan I, San Mateo, Rizal 1850.
Tel. No. (63)941-1269/ (63)570-2098 . Fax No. (63)941-9966. All Rights Reserved.
Site development and maintenance by the NSDAPS MIS Team