Jun-Oct 2011

Vol.10
No.1

 

 

 

  NEWS VIEWS FEATURE LITERARY BULLETIN SPORTS    

myNEWS
News Home
News
Views
Feature
Literary
Bulletin
Sports

mySEARCH

 
  myNSDAPS
NSDAPS Home
Aranzes Home
About NSDAPS
Prospective Students
Current Students
Visitors
Faculty and Staff
Alumni and Parents
NSDAPS Family
  myHELP
School Directory
Site Index
Contact Us
Online Virtual Tour
 
Editorial Staff
 
 

Balitang Pampaaralan

Dagdag Libro, Dagdag Kaalaman

Aranzan: Ako ay Handa
Araw ng Director Idinaos
Nutrisyon ang Proteksyon
Kapistahan ng Aranzazu muling tumingkad
Gawad KKK, mas pinagigting
Kaguruan Pinapurihan


Dagdag Libro, Dagdag Kaalaman
ni: Kristine Tuting

Dagdag Libro, Dagdag Kaalaman, ito ngayon ang nilalakad ng bagong Library and Media Center Supervisor na si G. Francis Q. Licup. Masaya niyang inilahad ang mga inobasyong nagaganap ngayon sa ating silid-aklatan.

Mula sa maliit na silid-aklatan, mapapansing lumaki at lumawak
na ito.Ang dating sistema ng pagkaklasipika ng mga aklat na Library of Congress ay pinalitan na ng kilalang Dewey Decimal System. Gumagana na din ang OPAC (Online Public Access Catalogue) kung saan sa isang click lang ay makikita na ang hinahanap na aklat.

Mapapakinabangan na rin ang mga barcode sa ating mga ID dahil barcoded na ang mga librong maaaring hiramin ng mga mag-aaral. Nagkaroon na rin ng clippings (mga current issues, trends, inventions, discoveries) at indexing. Nadagdagan din ng mga manipulatives o learning materials kung saan masusubok ang abilidad ng mga mag-aaral.

Matutuwa ang mga mahihilig magbasa dahil sa dami ng mga librong nadagdag sa silid-aklatan at sa patuloy pang pagkuha ng mga napapanahong aklat. Mayroon na ding isang parte ng silid-aklatan na para sa mga guro. Dito matatagpuan ang mga teacher references (na karamihan ay mga manuals at teacher’s edition books), circulation (maaaring hiramin ng mga guro), at lexile collection (para sa mga book report). Mayroon ding ipapamigay na mga button pins ang silid-aklatan para sa mga madalas manghiram ng libro.

“Ang mga pagbabago sa silidaklatan ay para sa ikabubuti ng mga mag-aaral, mga guro, at maging ng buong paaralan,” sabi nga ni G. Licup. “Magiging isang malaking tulong ang mga suplementong mayroon tayo ngayon. Ang silidaklatan
ng NSDAPS ay magiging isang lugar na sumusuporta at magpapalaganap ng habambuhay na pagkatuto.”

UP^

Kapistahan ng
Aranzazu muling tumingkad

Aranzan:
Ako ay Handa!
Araw ng Director
Idinaos

Kaguruan
Pinapurihan

Aranzans sa
hardcourt
 

akoy handa

Aranzan: Ako ay Handa
ni: Kristine Tuting

“Magaling para sa mga Aranzan.” Ito ang mga salitang binitiwan ni F01 Jose Mari S. Arididon nang tanungin kung ano ang kinalabasan ng taunang pagsasanay ng NSDAPS para sa sunog at lindol na ginanap noong ika-18 ng Agosto. Napansin ni G. Arididon na naturuan ng tama ang mga mag-aaral ukol sa dapat gawin kapag may sunog o lindol. Binigyangpapuri din ang mga fi re marshalls na namuno sa ginawang pagsasanay. Pagdating sa pagsasanay sa sunog, nagkaroon ng oras na tatlong minuto at sampung segundo ang mga nasa harapan ng eskwelahan samantalang apat na minuto at siyam na segundo naman ang mga lumikas sa likuran ng paaralan.

Kung ang pagsasanay naman sa lindol ang pag-uusapan, nagkaraoon ng tala na apat na minuto at pitong segundo ang mga nasa harapan samantalang tatlong minuto at limang segundo ang mga nasa likuran.

“Ang pagdaraos ng pagsasanay sa lindol ay ‘di isang karera kung saan ang mauunang lumabas ang panalo. Dapat ay dahan-dahan lang lalabas dahil kapag naganap ang isang tunay na lindol, bibilang pa ng sampu hanggang labinlimang minuto para sa mga aftershock. ‘Wag magmadali.” Ito ang mga salitang binitiwan ni G. Braulio S. Villanueva, hepe ng mga bumbero.

Sa kabuuan, 97% ang kabuuang markang ibinigay sa mga Aranzans. Ito ay dahil sa kanilang pinakitang kahusayan at kahandaan sa pagsasanay para sa sunog at lindol.

UP^

 


Araw ng Direktor Idinaos
ni: Stephanie Nicole Cruz

Ipinagdiwang noong ika-12 ng Agosto sa Gymnasium ang araw ng ating direktor na si Rev. Fr. Gerard Joaquin V. Masangya bilang paggunita sa kanyang kaarawan nitong Agosto 16. Dinaluhan ng mga kawani sa paaralan, mga mag-aaral sa sekondarya at ilang mga opisyales ng bawat klase mula ika-apat hanggang ika-anim na baitang.

Ang unang bahagi ng programa ay pinasimulan sa isang misa na
pinamunuan mismo ng ating direktor. Sinundan naman ito ng programa na inihandog ng Aranzan Student Council, mga tauhan, at ng mga estudyante. May mga nagpakita ng talento sa pagawit at pagsayaw. May mga laro rin na
nilahukan ng mga guro na ikinaaliwan ng lahat. Hindi makalilimutan ang
pagsayaw ng Teach Me How to Dougie nina G. Procalla, G. Glori, G. Balane,
G. Liwanag, G. Valderama, Bb. Prado, Bb. Lorenzo, at Bb. Pabatao. At
sinundan ng pagbibigay ng regalo ng bawat seksyon.

Ang ikalawang bahagi naman ng nasabing selebrasyon ay dinaluhan ng lahat ng kawani ng paaralan sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipino sa pamamahala ni Gng. Jannette Dominguez.

Naging masaya at madamdamin ang nasabing programa sa dahilang ang mga guro sa sekondarya ay nagalay ng isang akrostik nang buong pangalan ng ating direktor. Sinundan ito ng isang awiting pinamagatang “Kunin mo na ang lahat sa akin ”isang sikat na kantang pinasikat ng mangaawit na si Angeline Quinto. Ito
ay binago at nilapatan ng liriko ni Gng. Dominguez upang umakma sa
mensaheng nais nilang iparating. Pagkatapos ng bawat pagtatanghal ang bawat isa ay nagbigay ng mensahe at pagbati. Mababakas naman sa mukha nito ang kasiyahan at ngiti noong araw na iyon.

fr

UP^

masustansiya

Nutrsyon ang Proteksyon
ni: Rhod Jessie Barrera, IV-E

“Kalusugan ay Tiyakin sa Masustansya at Ligtas na Pagkain”. Ito ang tema ng
katatapos na pagdiriwang sa Buwan ng Nutrisyon. Sa pangunguna ni Gng.
Jessica Riñon matagumpay na naisagawa ang mga patimpalak noong Ika- 28 ng Hulyo sa NSDAPS Gymnasium: Sa Unang Taon ay pagluluto ng Sinigang; Ikalawang Taon ay pagluluto ng Potato Croquette; Ikatlong Taon ay paggawa ng Orange Chiffon Cake; at sa Ikaapat na Taon naman ay Bartending, Flairing at
pagluluto ng Barako Finger.

Kinabukasan, sa ganap na ika-1:00 ng hapon idinaos ang paggagawad ng gantimpala para sa mga nagwagi. Ang mga sumusunod ay nagkamit ng Unang gantimpala sa iba’tibang patimpalak: Ang I-B St. Maximillian Kolbe sa pagluluto
ng Sinigang; Ang II-B St. Paul Miki para naman sa pagluluto ng Potato Croquette; III-E St. Thomas Aquinas sa paggawa ng Orange Chiffon Cake at IV-B St. Arnold Janssen sa pagluluto ng Barako Finger at Bartending; at ang IV-E St. Marie Eugenie para sa Flairing. Nagkaroon din ng paligsahan sa Nutri-jingle, na kung saan ang mga kalahok ay naglapat ng titik sa mga awitin na ang tema ay nakatuon sa wastong pagkain. Nakamit ng II-A St. Andrew Kim Taegon ang Unang Gantimpala.
Ipinakikita lamang ng programang ito na kailangan nating alagaan ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pagkain ng wasto at masustansyang pagkain.

UP^


fiesta

Kapistahan ng Aranzazu muling tumingkad
ni JMD

Ika-9 ng Setyembre ang araw kung saan masayang ipinagdiwang ng mga taga San
Mateo ang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Aranzazu. Ito ay dinaluhan ng mga mahahalagang tao tulad ng butihing Mayor, na si G. Rafael “Paeng” Diaz, ang
Gobernador ng Rizal na si G. Jun Ynares, ang Obispo na si Bishop Gabriel Reyes at ilang mga kaparian.

Nagsimula ang pagdiriwang sa isang misa na pinamunuan ng ating Obispo. Mataas na ang sikat ng araw ng pasimulan ang parada ng iba’t-ibang delegasyon, subalit sa kabila ng init ay makikita mo sa mukha ng mga nagsidalo
ang kasiyahan at ang kanilang debosyon sa Mahal na Birhen. Kapansin-pansin ang makukulay at magagarang kasuotan ng iba’tibang organisasyon kabilang na ang delegasyon ng NSDAPS.

Nagsagawa rin ng iba’t ibang paligsahan, at dito ay nakamit ng NSDAPS ang Ikalawang gantimpala para sa Best Delegation at Unang gantimpala naman para
sa Street dance na ang mga kalahok ay mga piling mag-aaral mula sa Ikatlong taon sa pagtuturo ni G. Jose Procalla Jr. Sa huli, ay naipadama na naman ng
mga taga San Mateo ang kanilang labis na pasasalamat at papuri sa Mahal na Birhen ng Aranzazu.


UP^

Gawad KKK, mas pinagigting

ni: Jethro Pugal

Upang tugunan ang malawakang problema ng disiplina ng bawat mag-aaral, muling
inilunsad ang mas pinalawak at pinagbuting programa ng Gawad Kalinisan, Kaayusan at Kabutihang- Asal (KKK) ng paaralan.

Nauna nang nailunsad ang programang ito noong 2007, isa sa mga programa ni Fr. Gerard Masangya, punong director, na naglalayong pag-ibayuhin ang pagpapanatili ng disiplina.

Upang ipagpatuloy ang adhikaing ito, naatasan ang Students Action Vital to the
Environment and Mother Earth o SAVE ME Movement, mula sa pamumuno ni G. Gilbert Cruz, moderator, na mamamahala sa pagpapatupad ng panibagong
tungkulin sa ating paaralan - ang mangalaga ng kalinisan, kaayusan, at kabutihang–asal ng mga Aranzan.

Ayon kay G. Cruz, ”Kada buwan ang ginagawang pamimili ng mga magwawagi sa KKK, at ito ay natutukoy ayon sa mga marka na ibinibigay ng mga guro sa bawat
klase na kanilang pinapasukan. Sinusukat nito, bukod sa iba pang mga batayan, ang pagkakaayos ng silid-aralan, ang pananamit ng mga estudyante, ang kanilang
paggalang sa mga guro, at pati ang kanilang pagbati.” Bukod sa mga guro bilang
hurado, ang 30% ng marka ay manggagaling sa mga janitor bilang katuwang sa patas at makatotohanang paghatol.

“Ako ay naniniwala na ang programang ito ay isang simula, maaring simple, ngunit mahalagang bahagi ng pagsasabuhay ng aming mga layunin. Kami ay umaasa
na ang bawat guro at mag-aaral ng ating paaralan ay patuloy na makikibahagi sa programang ito hindi dahil bilang isang kumpetisyon ay mahalaga para sa ating lahat,” dagdag ni Cruz. Aniya, “Ako ay nakakaramdam ng pinaghalong tuwa at kaba” sapagkat alam niyang isang napakalaking responsibilidad at hamon para sa kanya bilang tagapayo ng organisasyon ang tanggapin ang programang ito.
Sa unang kwarter ng taon, tatlong beses nasungkit ng Year II-E St. Pedro Bautista ang karangalan para sa Hunyo, Hulyo at Agosto.

Samantala, naagaw naman ng Year IV-E ang nasabing pwesto para sa Setyembre.


UP^

 

teachers

Kaguruan Pinapurihan
ni JMD

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagdiwang ang araw ng mga guro sa NSDAPS. Ito ay kaalinsabay sa pagdiriwang ng buong mundo sa pagpaparangal sa mga guro o World Teachers Day noong Oktubre 5.

Ito ang araw na hindi malilimutan dahil sa pagpapahalagang ipinadama sa kanila ng mga mag-aaral maging ng administrasyon ng paaralan.

Isang surpresa ang ikinagulat ng mga guro sa araw mismo ng Oktubre 5 na personal na inihanda ng Student Council at ng kanilang Tagapayo na si Bb. Violeta Pabatao. Sa umaga pa lamang ay wala ng ginawa ang mga guro, ayon sa Student Council ito ay araw ng kanilang pahinga o day off. Ang mga mag-aaral ng III-E at IV-E ang nagsilbing guro ng lahat ng klase mula sa pre-school hanggang hayskul. Kinahapunan, may libreng massage party ang naganap sa auditoryum na alay naman ng paaralan at isang makabagbag damdaming programa na inalay ng
iba’t-ibang mag-aaral sa iba’t-ibang baitang at taon.

Hindi magkamayaw ang tuwang naramdaman ng lahat ng guro nang araw na iyon, dahil sa di matatawarang pagmamahal na ipinakita ng mag-aaral at maging ng paaralan. Natapos ang selebrasyon sa isang munting salo-salo ng pasasalamat.

Tunay ngang ang guro ay dakila, sila ang guro ng lahat ng propesyon, nawa ay magsilbi silang inspirasyon sa lahat. Mabuhay ang mga guro!

UP^

  Communication Box
Kindly e-mail us (jiangurus@gmail.com) your thoughts and other reactions so we can improve our online services.
 

© 2011 Nuestra Señora de Aranzazu Parochial School, Guitnang Bayan I, San Mateo, Rizal 1850.
Tel. No. (63)941-1269/ (63)570-2098 . Fax No. (63)941-9966. All Rights Reserved.
Site development and maintenance by the NSDAPS MIS Team