Jun-Oct 2011

Vol.10
No.1

 

 

 

  NEWS VIEWS FEATURE LITERARY BULLETIN SPORTS    

myNEWS
News Home
News
Views
Feature
Literary
Bulletin
Sports

mySEARCH

 
  myNSDAPS
NSDAPS Home
Aranzes Home
About NSDAPS
Prospective Students
Current Students
Visitors
Faculty and Staff
Alumni and Parents
NSDAPS Family
  myHELP
School Directory
Site Index
Contact Us
Online Virtual Tour
 
Editorial Staff
 
 

 

Hindi, Tapat ni Mervin Olivera
Wag na Sanang Patagalin
ni :RockousticEJ, IV-E
Nakapagtataka
ni: Mervin Olivera, IV-E
Ngiti
ni: JM Tan, III-E
Tunay na Kaibigan
ni: Arch Demerie Ahunin, I-E
Nutrisyon
ni: Arch Demerie Ahunin, I-E
Manhid
ni: Mervin Olivera, IV-E
Langit at Lupa
ni: Miguel De Leon
Walang Takot sa Diyos
ni: Mervin Olivera IV-E



Hindi, Tapat
ni Mervin Olivera

“Ma, alis na ako ah!” sigaw ko sa bahay bago ako pumasok sa UP Diliman. Sarap ng gising ko. Pakiramdam ko, may magandang mangyayari sa araw na ito.

“Bayad ho,” sabay abot ng aking bayad. Habang nasa biyahe, nagbabasa ako
ng libro namin. Kaunti lang ang pasahero ng dyip na sinasakyan ko kaya madali kong napansin ang isang magandang binibini. Nagbayad siya ng 100. Mukhang walang panukli si Mang Tsuper.

“Miss, barya lang po, kakapasada lang eh,” Sabi ni Mang Tsuper sabay balik
ng 100. “Wala po eh. Kakabigay lang ng aking allowance,” sagot ng binibini.

“Kahit bente na lang, meron ka ba?”

“Wala po talaga eh.”

Tinanong ng magandang binibini ang mga pasahero kung may barya sila sa 100.
Walang may pamalit sa 100. Ako ang huli niyang tinanong, marahil mukhang abala ako sa pagbabasa.

“Kuya, may barya ho ba kayo sa 100? Pasensya na po sa abala,” sabi sa
akin ng binibini.

“Una, huwag mo akong tawaging kuya dahil hindi pa ako ganoon katanda.
Pangalawa, wala akong barya sa 100. Kung gusto mo, ililibre na lang kita kaysa
mag-1-2-3 ka. Magkano ba?”

“23 lang.”

Isinara ko ang aking aklat at ibinalik ito sa aking bag. Sinilip ko ang aking
pitaka at nagwika, “Tignan mo nga naman, napakaswerte mo. Sakto ang barya ko.”

“Salamat ah,” sabi niya sa akin.

“Maaari ko bang malaman ang pangalan ng magandang binibini na nilibre
ko? Para naman kilala ko ang may mga utang na loob sa akin. Biro lang.”

“Anne ang pangalan ko. Diyan lang ako nag-aaral sa UP Diliman. Civil
Engineering.”

“Tawagin mo na lang akong Mervs. UP Diliman din ako. Computer Engineering naman sa’kin. Oy, nandito na pala tayo. Mabilis talaga ang oras kapag
naaaliw ka.” Bumaba kami ng dyip.

“Maaga pa ah. Hatid na kaya kita sa gusali niyo?” Alok ko kay Anne. “Sige
ba, wala pa naman akong masyadong kaibigan dito.”

Nandito na ako sa gusali namin. Naihatid ko na siya. Habang naglalakad
kami, nagkuwentuhan kami. Wala kaming napag-usapan tungkol sa buhay pag-ibig ng bawat isa. Pumayag din siya na sabay kaming kakain at uuwi mamaya.

Habang lumilipas ang mga araw, mas nakikilala namin ang isa’t-isa.
Naging matalik kaming magkaibigan. Nakapamasyal na rin kami sa mga mall,
nakakain nang sabay, at namili. Sa dinami-dami ng aming nagawa’t napagusapan, wala pa rin kaming alam ukol sa buhay pag-ibig ng isa’t-isa. Lagi kong nakalilimutang magtanong sa kanya ukol doon. Paunti-unti, nahuhulog ang loob ko sa kanya. Alam kong hindi puwedeng mangyari iyon ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili. Napakaganda ng kanyang ngiti at siya mismo ay maganda. Mervs, ba’t ka nagkakaganito?

Kanina pa ako naghihintay sa tapat ng gusali kung saan siya nag-aaral. Mukhang magsasara na nga ang gusali. May nagtext sa cellphone ko.

“Mervs, ‘wag mo na akong hintayin. Umuwi na kaagad ako. Natatakot kasi
ako. Natatakot akong tuluyang mahulog ang loob ko sa’yo. Mali ‘to, mali ‘yong
ginagawa natin. Lilinawin ko ang lahat bukas. Kita na lang tayo sa SM North,
sa dating tambayan.” Pagkatapos kong magbasa ng mensahe niya, ako’y tumayo at umuwi.

Siyempre maaga ako sa SM North. Maya-maya’y dumatin na si Anne.

“Magandang umaga,” bati ko sa kanya.

“Magandang umaga din.”

“Anne, anong problema?”

“Mervs, may kasintahan ako. Ang masama, unti-unting nahuhulog ang loob
ko sa’yo.”

“Ako rin naman ay may kasintahan.

Dalawang taon na nga kami. Oo, unti-unti ring nahuhulog ang loob ko sa’yo. Napagisip- isip ko na rin ang tungkol dito dati. Maraming dahilan kung bakit hindi dapat mahulog ang loob ko sa’yo. Una, may kasintahan ako. Pangalawa, kailangan kong mag-aral mabuti. Hindi ko talaga kayang mapigilang umibig sa’yo.”

 Bakit Ngayon ka Lang Dumating 

“Ano na ang plano natin?” tanong ni Anne.

“Sino ba ang mas mahal mo?”

“Ewan. Hindi ko alam kung sino ang mas matimbang sa inyo.”

“Para sa’kin, mas mahal ko ang aking kasintahan. Sa kanya ko unang naramdaman ang mahalin. Oo, napakaganda mo; ngunit para sa akin,
siya pa rin ang pinakamaganda. Saka, nangako akong papakasalan ko siya.
Napakasama kong tao. Dalawa ang minamahal ko habang ako lang ang
minamahal niya. Manatili na lang tayong magkaibigan, maging tapat tayo sa ating mga kasintahan.”

“Bale naging pampalipas-oras lang ako para sa’yo? Pinampuna mo ako sa mga
pagkukulang ng kasintahan mo? Binigay ko ang lahat sa’yo! Alam mo ba na sa
tuwing mamamasyal tayo, kinakansel ko ang mga pagkikita namin ng kasintahan ko?!? Ayoko na!”

Tumayo si Anne at tumakbo paalis, umiiyak.

“Teka lang, Anne. Hayaan mo muna akong magpaliwanag.”

Hinabol ko si Anne ngunit masyado siyang mabilis. Tumawid si Anne nang
hindi tumitingin kung may dadaang sasakyan. Nasagasaan si Anne. Huli na
ako. Isinakay namin ng tsuper si Anne sa sasakyan. Isinugod namin siya sa ospital. Nakaabot pa si Anne ngunit wala siyang malay. Nagpasalamat ako sa tsuper dahil hindi niya tinakasan si Anne. Nagbayad na ako sa nars para sa pampagamot kay Anne. Ibinigay ko rin sa kanila ang address ni Anne sa kanila. Umalis ako nang hindi nagpapaalam kay Anne.

Balik sa normal ang buhay ko. Parang walang nangyari. Nabalitaan ko na lang
na nagka-amnesia si Anne.

“Ma, alis na ako ah!” sigaw ko sa bahay bago ako pumasok.

“Manong, bayad po.” Nagbabasa ako ng aking aklat nang marinig ko ang,

“Miss, barya lang po.”

Tinanong ako ni ate, “May barya ka ba sa 100?”

“Pasensya na, wala eh. Kulang. Gusto mo ili... Ay, wala.” Tatanungin ko
sana siya kung gusto niyang ilibre ko siya ngunit ‘di ko itinuloy. Bumalik ako sa
pagbabasa.

Up^

Kapistahan ng
Aranzazu muling tumingkad

Aranzan:
Ako ay Handa!
Araw ng Director
Idinaos

Kaguruan
Pinapurihan

Aranzans sa
hardcourt
 

Wag na Sanang Patagalin
ni :RockousticEJ, IV-E

Mga panahong lagi tayong magkapiling
Iisa lang ang aking hinihiling
Mapasagot ka ng oo
At hindi na lang basta lumayo

Panliligaw ba’y patatagalin pa
Kung ating nararamdaman
Ay parehas lang ba (Ulitin)
Sana lang sagutin mo ko ng mahal pa rin
kita

Sa aking paghihintay
‘Di pa rin ako maiinip
Kung gusto mo’y malumanay
Andito pa rin ako hanggang sa’yong
panaginip

Panliligaw ba’y patatagalin pa
Kung ating nararamdaman
Ay parehas lang ba (Ulitin)
Sana lang sagutin mo ko ng mahal pa rin
kita

Sakripisyong aking ibinuhos
Sana’y hindi masayang nang lubos
Pero tandaan mo na kahit
Anong mangyari mamahalin pa rin kita

Panliligaw ba’y patatagalin pa
Kung ating nararamdaman
Ay parehas lang ba (Ulitin)
Sana lang sagutin mo ko ng mahal pa
rin kita

Up^

 

Nakapagtataka
ni: Mervin Olivera, IV-E

Nasa tapat ako ng aming bahay. Maraming
tao, pare-pareho
sila ng kulay ng damit, asul. Asul ang
paborito kong kulay. Hindi ako
nagdiriwang ng kaarawan ko sa araw na
iyon. Isa pang nakapagtataka, kailan pa kami
nagkaroon ng dilaw na ilaw?

Pumasok ako sa loob ng bahay ngunit walang pumansin sa
akin.
Pinagtitripan ba ako ng mga taong ito? Mali ba ako ng
napasukang bahay?

Puno ng tao ang bahay. May nagtitipon-tipon sa isang parte
ng bahay, nakapabilog. Unti-unting umaalis ang mga tao sa
kanilang
pagtitipon-tipon. Unang umalis ang aking matalik na
kaibigan. Sumunod ang isa sa aking mga kaaway. Nakita
kong umalis din ang aking kaklaseng lagi kong inaasar. Untiunti,
nababawasan ang mga taong nakapabilog. Ang huli kong
nakitang umalis roon ay ang aking kasintahan. Sa segundong
siya’y umalis, nakita ko ang katotohanan. Nalaman ko kung
bakit nagkakaganoon sa bahay.

May burol sa bahay. Nakapabilog sila sa kabaong, sa aking
kabaong. Patay na pala ako.

Up^


Ngiti
ni: JM Tan, III-E

Nang una pa lamang makita
Di maalis ang ngiti sa mukha
Di mapigilang ika’y isipin
At patuloy na mahalin

Ngiti mo pa lang na kay tamis
Na kailanma’y di nagmintis
Ako’y lubos mong napaibig
Kaya sayo’y laging sabik

Pagmamahal ay itinago
Dahil baka may ibang gusto
Kailangan ko pa bang sabihin
O dapat na lamang balewalain?

Damdamin ko’y nalilito
Isip ko’y nagtatanto
Pagmamahal nga ba’y dapat?
Ito ang tanong ng pusong tapat

Hindi ko sinasadyang mahulog
Sa patibong ng iyong puso
Pero salamat pa rin sa iyo
At ako’y iyong sinalo


Up^

Tunay na Kaibigan
ni: Arch Demerie Ahunin, I-E

Sa bawat sandali ng ating buhay,
May mga tao tayong nakikilala
Na siyang magiging karamay
Kung tayo’y may problema.

Walang makahahadlang sa tunay na kaibigan
Dahil ika’y tapat at mapagkakatiwalaan.
Tayo’y magkaibigan ngayon at magpakailanman
Na kahit kailan ay maaasahan.

Sa piling mo’y laging ligtas
Kahit saan parating kakampi.
Sa pakikisama’y walang katumbas
Kaya hindi natatakot ‘pagkat ika’y nasa tabi.

Tunay na bigay ng langit,
Sa aking puso’y kailanma’y ‘di ipagpapalit.
Sana’y madama mo ang nais iparating,
Salamat kaibigan sa iyong pagdating.

Up^

Nutrisyon
ni: Arch Demerie Ahunin, I-E

Pagkaing wasto ang nararapat
Dahil sustansiyang taglay ay sapat.
Tunay na kalusugan
Ay ating makakamtan.

Carbohydrates na magiging enerhiya
Para maisakatuparan ang gagawin.
Lahat tayo’y magiging masigla
Ng trabaho ay ating tapusin.

Protinang nagpapalakas
Mula sa manok, karne, itlog, at gatas
Prutas at gulay na naghahandog
Bitamina at mineral na nagpalulusog.

Alamin ang nutrisyong taglay.
Sa ating pagkain,
Makamtan ang tagumpay
At tumagal ang buhay natin.


Up^

Laro ng Langit
ni: Miguel De Leon, II-E

Ang langit ay nagbibigay-buhay.
Tayo’y magkakakilala at
nagkakamabutihan.
At kung kailan tatapatin muna
Itong sayo ay kukunin na.
Tila pinaglalaruan tayo ng langit.
Kung minsan, ang iyong iniirog ay may
ibang minamahal.
Maaaring ikaw ay masaya nung una
At nang sumunod ay wala ka na.
Hindi mo alam na ang iyong mahal
Ay nariyan na at pinakawalan mo pa.
Maaaring nasa harap mo na
Ngunit may tinignan kang iba.
Ang paglalaro ng langit
Ay napakahirap sundan,
Pero kapag ito ay iyong natutunan
Tiyak na ikaw ay liligaya nang matagal.


Up^

Manhid
ni: Mervin Olivera, IV-E

“Gusto ko ng bagong ama! Ayoko sa ama ko!” wika ni Kate, “Bakit ba naman kasi naging pipi at bingi ang aking ama? Bakit hindi na
lang siya katulad ng ibang mga ama?”

Si Kate ay isang mag-aaral sa kolehiyo. Mag-isa siyang itinataguyod ng kanyang ama sa pamamagitan ng pagtitinda sa palengke. Namatay ang kanyang ina dahil sa panganganak sa kanya. Parati na lang siyang tinutukso sa kanilang unibersidad bilang anak ng pipi at binging ama.

“Gusto ko ng amang makikinig sa’king mga pangarap,” tuloy niya, “Gusto ko ng amang nakapagsasalita, ng amang umiintindi sa’kin.”

Mayroong kasintahan si Kate, si Luke. Dahil namamasyal ang dalawa, minsa’y ginagabi siya ng uwi at napagagalitan ng kanyang ama. Bagama’t hindi nakasisigaw ang kanyang ama, kitang-kita sa mukha niya ang galit at pag-aalala sa anak. At dahil hindi niya nararamdamang iniintindi siya ng
kanyang ama, minsa’y naisip niyang lumayas na lamang.

Sa kanyang ika-17 kaarawan, namasyal sina Kate at Luke. Nagkakasayahan ang dalawa nang biglang may lumapit na babae at hinalikan si Luke. Nagulat si Kate at tumakbo palayo. Hinabol siya ni Luke at humingi ng pagkakataong magpaliwanag. Pinagbigyan siya ni Kate. Habang pauwi ang dalawa,
nagpapaliwanag si Luke. Ngunit mayroon pa ring pagkakamali si Luke. Lubhang nasaktan si Kate. Lumabas siya sa sasakyan ni Luke at
pumasok sa kanilang bahay, diretso sa banyo.

Ang kanyang ama ay nasa hapagkainan, may inihandang cake na may nakasulat na “Maligayang kaarawan, anak! Sana’y lagi kang masaya. Nagmamahal, ang iyong ama”. Siya ay nag-eensayo ng sasabihin sa anak.
Ito ang nais niyang sabihin, “Ipinanganak akong pipi at bingi, pasensya na. Hindi ako nakapagsasalita tulad ng ibang ama ngunit gusto kong malaman mong minamahal kita nang buong puso.”

Habang siya ay nag-eensayo, may kumalabog sa banyo. Kumatok siya nang
malakas ngunit walang sumagot. Buong-lakas niyang tinulak ang pinto. Nakita niyang nakahandusay ang kanyang anak na naglaslas ng pulso. Inilabas niya ang kanyang anak at humingi ng tulong. Naisugod ang kanyang
anak sa ospital. Wala man siyang malaking pera, handa niyang ibenta ang kanilang maliit na bahay, mailigtas lang ang kanyang anak. Nang nangailangan ang kanyang anak ng dugo, bukas-palad niyang ibinigay ang
kanyang dugo.

Nang magising si Kate, nakita niyang nakahiga ang kanyang ama sa katabing kama... walang buhay. Naiyak si Kate dahil ngayon
lang niya ulit naramdaman ang pagmamahal ng kanyang ama.

Walang perpektong ama, ngunit ang bawat ama ay laging lubos kung magmahal.

Up^

Langit at Lupa
ni: Miguel De Leon


Isang taon na ang nakalipas ng siya’y huli kong makita. Nakatayo, nagsasalita
at nagpapaliwanag sa harap ng maraming tao. Nakatulala ako sa kanyang misteryosong pagmumukha. Lumipad ang aking isipan at binalikan ang una
naming pagkikita. May okasyon noon, at nagkakaroon ng isang munting kasiyahan para sa mga nagsipagdalo. Siya ay napagigitnaan ng maraming tao. Tila bang may magnet ang katawan niya at kusang lumalapit sa kanya ang
mga tao. Samantalang ako, nasa kabilang panig ng silid, nagiisa, kinakausap ang sarili at tinitingnan siya. Tunay ngang nakapang-aakit ang kanyang mga ngiting maihahalintulad sa isang anghel, gaya ng sabi ng iba. Nahuli ko siyang tumingin
sa akin. Hindi ko naman iniwas ang aking tingin sa kanya, para bang nais kong maghatid ng isang pahiwatig. Nakapako ang aking tingin sa kanyang mga mata habang siya ay nakatingin pa. Ngumiti siya at... umiwas ng tingin, tumalikod at kinuha ang isang palumpon ng rosas. Naglakad siya papunta sa akin.
Ako’y biglang kinabahan. Inayos ko ang aking sarili at tinignan siya. Tumigil siya sa aking harapan, lumuhod at -- “BUZZ BUZZ! BUZZ BUZZ!,” tunog ng aking cellphone na gumulat at gumising sa akin. Panaginip lang pala. Isang panaginip na naman. Hindi ko namalayang nakatulog ako sa asignatura naming pisika. Buti na lamang at lumiban ang aming guro ngayon.

Kinuha ko ang aking bag upang maghanap ng panulat. Ako ay nabigla nang may makita akong isang piraso ng rosas. Tinignan ko ang aking cellphone -- “1 message received.” Pagkabasa ko ay agad-agad akong lumabas upang hanapin siya. Isang taon na ang nakalipas ng siya’y huli kong makita.

At sa wakas, kami’y pinalad ng Panginoon na magkita muli ngayon.

Up^

Walang Takot sa Diyos
ni: Mervin Olivera IV-E

Araw ng Linggo. Nagsimba ang matalik kong kaibigan, dala ang hiniram niyang kamera mula sa kanyang kapitbahay. Low-batt daw kasi ang kanilang kamera. Plano ko sanang magsimba din sa oras na nagsimba siya ngunit kasama ko ang
aking grupo sa paggawa ng proyekto. Nabalitaan ko na lang na nadukot mula sa kanyang bag ang kamera.

Kinahapunan ng araw na iyon, ako’y nagsimba. Sa parehong simbahan kung saan nagsimba ang aking kaibigan. Maaga akong naroon upang magkaroon ako ng upuan. Sa kalagitnaan ng misa, tumayo ang katabi kong babae upang paupuin ang isang matanda. Nakakahiya sa babae, hindi ako ang nag-alok ng
aking upuan. Hindi ko kasi nakita ang matanda. Bilang ganti, tumayo
ako sa aking upuan at umalis. Nahiya ako kung kaya’t hindi ko naialok ang
aking upuan, sila na ang bahalang umupo roon. Pumunta ako sa likod ng
simbahan upang magkaroon ng pwesto ng pagtatayuan.

May narinig akong lalaking nagsabi, “Wala. Wala dito.” May dalawa pa siyang kasamang lalaki. Halatang hindi pagsisimba ang katwiran kaya sila naroon, hindi pansimba ang kanilang suot. Mukha silang mga tambay sa kanto at pumunta sa
simbahan upang mandukot. Umalis sila sa may puwesto ko at naghanap ng
ibang mabibiktima. Mukhang sila rin ang dumukot ng kamerang hiniram ng kaibigan ko.

Hiniling ko sa Panginoon na sana’y umalis na ang mga kabataang iyon at wala na silang mabiktima pa. Puno ng tao ang simbahan, marami silang maaaring mabiktima.

Nang muli kong makita ang tatlong lalaki, hindi ko alam kung papaano ngunit parang kusang lumakad ang aking mga paa upang sundan ang mga lalaki. Oo nga naman, wala silang gagawing masama kung alam nilang may mga matang
nakamasid sa ginagawa nila. Papalapit nang papalapit ako sa kanila.

Habang nakaluhod ang lahat, kitang-kita ko na lumuhod ang isa sa mandurukot at tinakpan ang dalawang gilid ng kanyang dalawang kasamahan. Sa ilalim sila ng surveillance camera upang hindi sila makita nito. Ang nakaluhod na lalaki
ang nagbukas ng bag ng taong nasa harapan niya.

Nakita akong tingin nang tingin sa kanyang kasamahan kaya lumapit ang isang look-out nang paunti-unti sa akin. Unti-unti din akong lumabas ng simbahan at tumakbo palayo.

Nasa parking lot ako nang may tumakip na kamay sa aking bibig. May naramdaman akong matalim na bagay na nakadikit sa aking likod.
Nagsalita ang lalaki, “Shh, alam kong nakita mo ang ginagawa namin. ‘Wag
kang maingay, ‘wag mong ipagsasabi. Ngunit para makasigurado...”

“Agh!”
U
nti-unti akong inilapat sa lupa at tumakbo palayo ang lalaki. Hindi kami
nakita ng guwardiya dahil natatakpan kami ng mga sasakyan. Nagdidilim
ang aking paningin at lumalamig ang paligid. Ang huli kong nakita ay dugo. Lawa ng dugo.

Kahit pala ang simbahan ay hindi ligtas mula sa krimen. Sadyang may mga taong hindi marunong gumalang sa tahanan ng Panginoon.

Up^

  Communication Box
Kindly e-mail us (jiangurus@gmail.com) your thoughts and other reactions so we can improve our online services.
 

© 2011 Nuestra Señora de Aranzazu Parochial School, Guitnang Bayan I, San Mateo, Rizal 1850.
Tel. No. (63)941-1269/ (63)570-2098 . Fax No. (63)941-9966. All Rights Reserved.
Site development and maintenance by the NSDAPS MIS Team