Jun-Oct 2011

Vol.10
No.1

 

 

 

  NEWS VIEWS FEATURE LITERARY BULLETIN SPORTS    

myNEWS
News Home
News
Views
Feature
Literary
Bulletin
Sports

mySEARCH

 
  myNSDAPS
NSDAPS Home
Aranzes Home
About NSDAPS
Prospective Students
Current Students
Visitors
Faculty and Staff
Alumni and Parents
NSDAPS Family
  myHELP
School Directory
Site Index
Contact Us
Online Virtual Tour
 
Editorial Staff
 
 

Ang Tunay na Ms. P.
ni: ALyssa Guardiano

“Do you follow?” “Am I Understoood?” Ito ang kadalasang maririnig natin sa istrikta subalit mahinahong pangalawang punongguro mahinahong pangalawang punongguro ng NSDAPS. Kilala siya sa tawag na Bb. P. o Bb. Pabatao.

Si Bb. Violeta Amihan Pabatao ay ipinanganak noong ika-28 ng Oktubre sa Barangka, Marikina City. Siya ang bunso sa anim na magkakapatid. Nagtapos siya ng elementarya sa Senate President Pro Tempore Jose A. Clarin Memorial School sa Bohol. Nakamit niya ang pinakamataas na karangalan noong siya
ay nasa Mataas na Paaralan ng Holy Trinity Academy, Holy Spirit School sa Loay, Bohol. Tinapos niya ang kolehiyo dala ang karangalang Cum Laude sa kursong Bachelor in Secondary Education Major in General Science sa Divine Word College of Tagbilaran City (Holy Name University ngayon).

Naniniwala siyang ang edukasyon ay isang patuloy na pagkatuto kung kaya’t hindi lamang diyan natatapos ang kanyang paglalakbay pagdating sa pag-abot
ng karunungan. Sa katunayan sa kanyang edad ay nakapagtapos na siya ng dalawang Masteral Degree ang Master in Science Teaching sa St. Paul University at ang Master of Education major in Measurement and Evaluation
sa Miriam College of Quezon City. Sa kasalukuyan ay patuloy niyang tinatapos ang disertasyon sa kanyang pag-aaral ng doctoral degree sa Saint Paul University System sa kursong Philosophy of Education major in Educational Management.

Pambihirang katalinuhan at kasipagan ang kanyang ipinamalas sa pag-abot
ng karunungang ito.Bilang isang dating guro at koordineytor ng Agham, malaking hamon angkanyang ginampanan sa kanyang pagkakahirang bilang pangalawang punongguro ng paaralan. Hindi madali ang hawakan ang Ikalawa
hanggang Ikaapat na Taon, subalit ang hamon bagamat hindi naging madali ay sinikap niyang magampanan. Hindi matatawaran ang kanyang ginawang pagdidisiplina, pagbibigay ng payo at pakikipag-usap ng masinsinan hindi lamang sa mga mag-aaral kundi lalo’t higit sa kanyang mga guro.

Isang taong hindi nakakatakot lapitan, maaring maging kaibigan subalit ang bawat salitang binibitawan sa malumanay na pamamaraan ay tagos sa bawat kanyang makausap, kung kaya’t hindi maikakaila kung bakit ganoon na lamang ang respeto at paggalang na ibinibigay ng mga magaaral maging ng kaguruan sa kanya.

Isang binibining walang tanging hangad kundi ang ikabubuti at ikahuhusay pa ng pagtuturo, isang tunay na paglilingkod na ang tiyak na magbebenipisyo ay ang mga magaaral.

Mabuhay ka Bb. Pabatao! Nawa ay magsilbing inspirasyon ka pa sa lahat. Ang iyong paglilingkod na di matatawaran ay matularan sana ng mga mag-aaral na nasa iyong pangangalaga, at maging inspirasyon ka ng mga gurong tunay na naglilingkod sa tao at higit sa lahat sa Diyos.

UP^


vp
Kapistahan ng
Aranzazu muling tumingkad

Aranzan:
Ako ay Handa!
Araw ng Director
Idinaos

Kaguruan
Pinapurihan

Aranzans sa
hardcourt
 

MADAM PRESIDENT
ni: Rhod Jessie Barrera, IV-E

Ang maging isang pangulo ng Student Council ang isa sa pinakamahirap na posisyon. Kung kaya’t bibilib ka sa mga mag-aaral na may lakas ng loob at tiwala sa sariling harapin at gampanan ang tungkuling ito.

Ngayong taong ito isang babae ang nahirang upang manungkulan sa mga mag-aaral siya ay walang iba kundi si Bb. Queenie Joy Obero. Isang binibining may
matamis na ngiting ipinakikita, alumanay magsalita at may talinong hindi pasusubalian.

Ngayon ay bibigyan niya ng linaw sa atin kung ano ang dapat gawin ng Student Council sa pamamgitan ng pagsagot sa lang mga katanungan ipupukol sa kanya.

1) Ano ang iyong mga naramdaman bago, habang, at matapos mangampanya? Halos lahat na yata ng emosyon naramdaman ko na noong nangagampanya kami. Una, sobrang kabado dahil hindi mo alam kung
magiging maganda ba yung pangangampanya niyo sa bawat klase. Pangalawa, bahagyang malungkot kasi may mga pangyayaring hindi mo ninanais na mangyari pero nangyari noong panahon ng pangangampanya. Pangatlo, syempre masaya dahil may bago kang nakilala (mga kaibigan) habang nangagampanya at lahat ng pagod mo habang nangangampanya, nagbunga ng maganda. Sobrang laking ginhawa sa pakiramdam noong natapos na yung pangangampanya pero may halong lungkot kasi yung mga taong kasanayan mo ng kasama araw-araw, hindi mo na sila gaanong makikita katulad nung dati habang nangangampanya.

2) Ano ang masasabi mo sa iyong sarili bilang isang pinuno? Maituturing ko ang aking sarili bilang isang mapagpasensya at mapagkumbabang pinuno. papagpasensyang pinuno dahil hindi ako agad
nagagalit sa isang maliit na bagay dahil naniniwala ako na ang lahat ng bagay ay nadadaan sa mabuting usapan.Iniintindi ko muna ang iba bago ang sarili
ko.Mapagkumbaba naman dahil hindi ko iniisip kailanman na nakakahigit o nakaka-angat ako sa iba. Bilang isang pinuno kailangan mong isipin lahat
ng taong nakapaligid sa iyo. Kailangan mo silang pakinggan sa anumang paraan; hindi dapat nakasara ang iyong isipan para pakinggan ang ibang tao
dahil matatawag kang isang tunay na pinuno kung hindi mo lang iniisip ang sarili mo.

3) Ano ang mga bagay na dapat mong gawin o ipatupad para mapabuti ang iyong pamumuno?
Ang dapat kong gawin para mapabuti ang aking pamumuno ay maging isang pinuno na handang maglingkod ng totoo sa iba. Kailangan ito dahil
kung tunay kang naglilingkod; magagawa mo ang lahat ng kailangan mong gawin ng maganda at maayos sa paningin ng lahat. Kailangan ko rin ng mga taong handang tumulong sa akin. Naniniwala ako na ang mga nanalo sa nakaraang eleksyon ay handang tumulong sa akin upang mapatupad namin
ang mga bagay na kaya naming gawin sa ating paaralan. Kailangan din na handa akong makinig sa lahat ng opinyon ng bawat estudyante at lalong-lalo
na sa ating mga guro pagdating sa aking pamumuno. Tiyak na makakatulong ang kanilang opinyon pagdating dito.

4) Bilang isang pangulo, ano ang iyong mga plano upang makatulong sa administrasyon ng paaralan upang mapabuti ang mga pasilidad at pamamalakad sa ating paaralan? Hindi naman kailangan na mabago ang pasilidad at pamamalakad ng paaralan; ang kailangan lang ay madagdagan ito upang mas maging maganda. Wala akong karapatan upang baguhin ang lahat ng ito; ang kailangan ay magsilbi akong boses ng bawat estudyante sa harap ng administrasyon ng
paaralan. Maging tapat na sabihin sa kanila ang opinyon ng mga estudyante. Yan ang karapat-dapat kong gawin para sa kapwa ko estudyante at sa ating
paaralan na maaring makatulong di lang sa administrasyon kundi sa lahat.

5) Ano ang masasabi mo sa mga reaksyon at komento ng mga magaaral tungkol sa mga nananalo sa Student Council, na wala naman daw nagagawa ang Student Council sa school! Pagkatapos manalo, wala na!”?

Ito lang ang masasabi ko sa mga ganyang komento ng estudyante; sigurado ako na may ginagawa ang Student Council sa ating paaralan. Hindi nga lang gaano maipakita sa bawat estudyante pero kung iisipin mo mabuting malalaman mo na meron talaga silang ginagawa. Hindi nga lang mapansin dahil maliit na bagay lang ang mga iyon. Pero kahit maliit na bagay lang iyon, alam ko na nakakatulong ito sa paaralan natin. Madami rin kasing ginagawa ang Student Council; disiplina sa bawat estudyante ang kailangan gawin, sila ang hinihingan ng opinyon ng mga guro tungkol sa mga isyu ng paaralan o ng estudyante at ang Student Council din ang maasikaso ng bawat programa na nagaganap sa ating paaralan. Yan ang maliliit na bagay na ginagawa ng Student Council kada taon. Sana maintindihan ng bawat
estudyante ang tunay na ginagawa ng Student Council.

6) Ano ang mensahe mo sa lahat ng mga mag-aaral na naniniwala sa inyo?

SIPAG AT TIYAGA, GALING AT TALINO YAN ANG KAILANGAN NIYO
DAHIL AKO ANG KASAMA NIYO SA HABANG BUHAY.

- Queenie Joy Obero

UP^

obero  
  Communication Box
Kindly e-mail us (jiangurus@gmail.com) your thoughts and other reactions so we can improve our online services.
 

© 2011 Nuestra Señora de Aranzazu Parochial School, Guitnang Bayan I, San Mateo, Rizal 1850.
Tel. No. (63)941-1269/ (63)570-2098 . Fax No. (63)941-9966. All Rights Reserved.
Site development and maintenance by the NSDAPS MIS Team