June-Oct 2011

Vol.10
No.1

 

 

 

  NEWS VIEWS FEATURE LITERARY BULLETIN SPORTS    

myNEWS
News Home
News
Views
Feature
Literary
Bulletin
Sports

mySEARCH

 
  myNSDAPS
NSDAPS Home
Aranzes Home
About NSDAPS
Prospective Students
Current Students
Visitors
Faculty and Staff
Alumni and Parents
NSDAPS Family
  myHELP
School Directory
Site Index
Contact Us
Online Virtual Tour
 
Editorial Staff
 

Earth Day, Araw-Araw

“There is no better time to save mother earth than the present” (Ngayon na ang tamang panahon para iligtas ang mundo). Ito ang makabuluhang pahayag ng ating Pangalawang Pangulo Jejomar Binay sa kanyang talumpati
sa 9th YES camp sa lungsod ng Baguio. Ito rin ang nagbigay daan sa paaralan upang itatag ang malawakang programang pangkalikasan matapos makadalo ang ilan sa mga Aranzan sa kumbensyong ito na tumalakay sa pagsagip ng inang kalikasan. Kaugnay din nito ay ang naging tema ng CEAP 2010 National Convention ay ang “A Heart for Eden , A Hand at Ecology”.

Nangangahulugan lamang ito na ang bawat isa ay dapat maging mulat, aktibo at makabuluhang pagsali sa sama-samang pangangalaga at pagsagip sa ating lumalalang
kapaligiran. Kung kaya ang Nuestra Señora De Aranzazu Parochial School ay nagtalaga ng Eco-Committee upang manguna sa epektibong programang pampaaralan at pangkomunidad na manghikayat sa lahat maging mulat sa problema ng mundo, handa sa anumang sakuna, at higit
sa lahat mapangalagaan at makakatulong sa inang kalikasan.

Ang komite ay binubuo ng mga guro, magaaral,
kawani at magulang ng ating paaralan na pinangungunahan ni G. Jed Manalo, koordineytor, katuwang ang sumusunod ayon sa kanilang itinalagang tungkulin: G. Gilbert Cruz,
School Programs (YES-O/ SAVE-ME Adviser; G.
Jericho Buena
, Disaster Preparedness (Marshal
SDMC); G. Eric Dongallo Curriculum (Science
Coordinator); Gng. Marissa Santos, Gng. Emma Rico, Bb. Violeta Pabatao, Programs for Curriculum; Gng. Rea Esteban, Personnel; Gng. Rosalia Lim, Community; Gng. Tess De Castro, Canteen; Gng. Juanita Cala, Parents
Council; G. Jose Procalla at Gng. Anabelle Andres, Students; Gng. Purificacion Singueo at Fr. Gerry Masangya, Konsultant.

Kaugnay nito ang komite ay inaasahang gaganap sa kanilang mga tungkulin at magpapatupad ng 16 programang
pangkalikasan na pormal na inilunsad, Agosto 12: Gawad KKK”- Kalinisan, Kaayusan at Kabutihang-asal; Ako’y Aranzan, Ako’y Handa Yes, we’re open; Give me a Break... Earth; Smokers, how long can you live?; Fashionista de Vazura; NO Trash can; Luntiang Araw; Box of Life”; Plant a Tree, Earn a Degree; Green
walls of Nuestra; Eco-friendly Community; Rainwater
Harvesting; Mould it! with your hand; Reduce,
Re-use and Recycle; at SAVE ME at YES-O

Para sa kabuuang detalye ng programa paki click ang link na ito: ecological programs


UP^



dr dimaano

PAASCU, parating na; NSDAPS handang-handa na
ni:(JAMP)

Nobyembre 28-29 ang araw na pinakaaabangan ng NSDAPS, ang inaasahang pagdating ng pinakahihintay ng lahat na
Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges, and Universities (PAASCU) upang kumpirmahin kung ito ay pasado mula sa halos 10 taon nitong paghahanda.

Abala ang bawat isa sa paghahanda sa mga dokumento at pagtugon sa mga rekomendasyon ng PAASCU mula sa resulta
ng kanilang pagbisita noong Pebrero.

Nagkaroon ng pagtitipon ang lahat ng kawani, Okt. 8 at 14 upang alamin ang resulta ng self-survey na ginawa ng bawat komite. Nabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na
kumpirmahin at magkomento sa mga iniulat na
resulta.

Hiningi na rin ng administrasyon ang paggabay ng bihasa sa akreditasyon na si Dr. Alfredo Dimaano upang masiguro na ang lahat ng hakbang ng paaralan ay tama, totoo at
maayos.

Maaring sabihing sapat na ang ginawang paghahanda at paghihintay ng NSDAPS upang maipakita na ang paaralan ay maaari nang tawaging isang paaralang may kalidad. Ang lahat ng preparasyon at pagsusumikap ay dahil sa sama-samang pagtutulungan ng lahat ng kawani ng paaralan. Nawa ay gabayan ng Panginoon ang nasabing pagbisita at kasiyahan nawa ang paaralan upang makamit na ang
hinihintay na kumpirmasyon na ang kaunaunahang
magbebenipisyo ay ang mga magaaral.

UP^


Communication Box
Kindly e-mail us (jiangurus@gmail.com) your thoughts and other reactions so we can improve our online services.
 
NSDAPS gets ready for PAASCU Formal Visit
Nobyembre 28-29 ang araw na pinakaaabangan ng NSDAPS
Kapistahan ng Aranzazu muling tumingkad:
Ika 9 ng setyembre ang araw kung saan masayang ipinagdiwang...
Aranzan: Ako ay Handa!
"Ang pagsasanay ng lindol ay hindi isang karera, kung saan ang mauunang lumabas panalo"
Araw ng Director Idinaos
Ipinagdiwang noong ika-12 ng Agosto ang araw ng ating director na si Rev. Fr. Gerard Joaquin ...
Kaguruan Pinapurihan:
Sa kaunaunahang pagkakataon ay ipnagdiwang ang araw ng mga guro...
Bakbakan ng mga Aranzans sa hardcourt nagsimula na:
Sa pangunguna ni G. Maiko del Rosario at G. Simplicio Liwanag...
 


Ang Tunay na Ms. P.
Ms. Violeta Amihan Pabatao


"Do you follow?"
"Am I understood?"
 
read more
 

MADAM PRESIDENT
Ms. Queenie Joy Obero


Sipag at tiyaga,
galing at talino,
yan ang kailangan
nyo...

 
read more

© 2011 Nuestra Señora de Aranzazu Parochial School, Guitnang Bayan I, San Mateo, Rizal 1850.
Tel. No. (63)941-1269/ (63)570-2098 . Fax No. (63)941-9966. All Rights Reserved.
Site development and maintenance by the NSDAPS MIS Team