News

Pagbabago sa pamumuhay dulot ng sakit na Covid-19

January 27, 2021

Ni: Bb.Adriline O. Madoro


Ang sakit na Corona Virus Disease 2019 or mas kilala sa tawag na Covid-19 ay isang sakit sa palahingahan.  Ito ay sanhi ng bagong virus. Sino man o anumang edad ay maaaring magkasakit. Wala itong pinipili bata man o may edad na.  

Ang mga taong nagkakasakit ng COVID-19 ay maaaring makahawa sa iba kahit pa minsa’y parang wala silang sintomas. Ang virus na ito at tuso unti-unting pahihinain ang iyong resistensya hanggang sa mahirapan ka nang huminga. 

Umugong ang balita noong Febrero na mayroong virus na nagmula di umano sa bansang China na sinasabing ang sakit na ito ay nagmula raw sa pagkain ng paniki. Hanggang noong Marso ay tuluyan ng kumalat ang sakit na ito, at hindi nakaligtas ang Pilipinas sa virus na ito. Hindi lamang sa Pilipinas bagkus ito ay kumalakat sa buong mundo at binansagan na itong isang pandemya na kumitil sa buhay ng maraming tao sa mundo. 

Gaano tayo binago ng sakit na ito?

Malaki ang naging pagbabago ng pamumuhay natin ngayon sa kasalukuyan, ibang-iba kung ikukumpara noon na malaya tayo makagala at anumang oras ay maaari tayong umuwi ng walang pangamba sa ating pamilya. 

Noon ay madalas maglaro ang mga bata sa lansangan ngayon ay takot ng gumala ang mga bata’t matanda dahil sa pangamba na dulot ng Covid. Mas higit na apektado ang mga magulang at kapamilya na naghahanap-buhay para may maipangkain sa araw-araw.

Dahil sa paglaganap ng virus na ito ay maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho at nagutom dumagdag pa lalo sa lumolobo na bilang ng mga Pilipinong naghihirap sa bansa. 

Sa katunayan maraming mga negosyo at pangkabuhayan ang nagsara at nalugi epekto ng kasalukuyang virus na unti-unting tumutupok sa bilang ng populasyon. 

Hindi lamang pangkabuhayan ang naapektuhan ng Covid-19, bagkus maging ang edukasyon natin ngayon sa kasalukuyan. Kung dati’y ang mga mag-aaral ay Lunes-Biyernes ay nagtutungo sa paaralan upang matuto’t turuan ng guro ngayon ay nanatili na lamang sila sa kanilang tahanan. 

Ang dating ingay na dinig na dinig pag-akyat palamang sa hagdanan ay ibang-iba na sa kasalukuyan; mga batang nagtatakbuhan at naghahagikhikan ay parang isang ingay na ngayo’y nakabibingi. 

Kaysarap balikan ng mga nakalipas na panahon na pagpasok mo pa lamang sa mahal na paaralan ay bubungad sayo ang mga ngiti ng batang bukas makalawa ay ang pag-asa ng ating bayan. 

Nawa’y tuluyan ng mawakasan ang pandemyang ito ng sa ganoo’y ang mga pamilya na nagkalayo ay mabuong muli. Makabangon muli sana sa pagsubok na ito ng ating Panginoon na mas manalig pa tayo at huwag makalimot na mayroon tayong Ama na nakikinig sa bawat panalangin natin. Tunay nga na susubukin tayo sa mga hamon ng buhay. 

Nawa’y sa ikalawang pagkakataon ng ating buhay ay mas mabuhay tayo ng ayon sa kaloob ng Panginoon.

Share this article with your friends
Events Take me there

Aranzazu’s Modest Fiesta Gives Way for the Poor, Afflicted

January 27, 2021 05:14:51 pm

Mr. Danny Boy VillanuevaThe Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Senora de Aranzazu marked the annual fiesta with a simple celebration in the midst of the Covid-19 pandemic. Fr. Lopito P. Hitero...

Continue reading >>

Wikang Filipino sa Panahon ng Pandemya

January 27, 2021 05:05:22 pm

Ni Gng Divina H. PenuliarAng Tema ng Buwan ng Wika sa taong 2020 ay nakatuon sa mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya; ito ay ang halaga ng Filipino at mga kat...

Continue reading >>

Paggamit ng Filipino sa pagbibigay-alam sa COVID-19, hinimok ngayong Buwan ng Wika

January 27, 2021 04:49:19 pm

Ni Gng. Lourdes Alfonso Paano ba mas mauunawaan ng karaniwang mamamayan ang tunay na kalagayan sa kasalukuyang pandemya?          Ngayong ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika...

Continue reading >>
Community Extension Take me there

PASTORAL MINISTRY

January 27, 2021 05:16:41 pm

CENTER FOR CHRISTIAN FORMATIONPASTORAL MINISTRYPastoral Ministry is one of the components of Center for Christian Formation (CCF) that is tasked to organize and promote social awareness and responsibi...

Continue reading >>
Alumni Take me there

Nuestra Senora De Aranzazu Parochial School

Twitter Facebook